dzme1530.ph

PALASYO, TIWALANG HINDI MAAAPEKTUHAN NG PAHAYAG NG CHINA ANG NALALAPIT NA ASEAN MEETING SA BANSA

Loading

Kumpiyansa ang Malacañang na hindi makaaapekto sa pagdalo ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa nalalapit na summit sa Pilipinas ngayong Nobyembre ang pahayag ng China kamakailan.
 
Sa press briefing, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na batid ng mga lider ng ASEAN at ng iba pang mga bansa ang mga pagsisikap at kung paano makipag-ugnayan ang Pilipinas.
 
Aniya, mas maganda kung ang darating sa ASEAN Summit ay mismo si Chinese President Xi Jinping, para matalakay ang anumang gusot sa pagitan ng mga magkakapitbahay na bansa at maresolba ang mga isyu.
 
Una nang inakusahan ni Zhang Xiaogang, tagapagsalita ng Ministry of National Defense ng China, ang Pilipinas na sinisira ang diwa ng pagiging bukas ng ASEAN at ang lehitimong karapatan ng China bilang dialogue partner.

About The Author