dzme1530.ph

Jordan Clarkson, sabik na maglaro FIBA ​​Basketball World Cup 2023

Excited na si Filipino-American na si Jordan Clarkson na makapaglaro sa Gilas Pilipinas sa inaabangang FIBA ​​Basketball World Cup 2023.

Sa press conference, sinabi ni Clarkson na tuloy-tuloy ang paghahanda na ginagawa niya para sa Philippine National Team sa prestihiyosong 32-team Basketball Showpiece na nakatakda sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10

Naglaro na si Clarkson para sa Gilas noong 2018 Asian Games sa Indonesia bago nag-debut sa isang larong sinanction ng FIBA ​​noong agosto laban sa Lebanon at Saudi Arabia kasama si Kai Sotto ng Adelaide 36ers.

Dahil sa kanyang kalibre bilang dating NBA Sixth Man of the Year, si Clarkson ay may 27 points, pitong assist at anim na rebounds sa pagkatalo ng Gilas laban sa Lebanon, 85-81.

About The Author