dzme1530.ph

Japanese boxer Naoya Inoue, sasabak sa laban kontra Stephen Fulton ng Amerika sa Mayo

Nakatakdang sumabak sa laban ang Japanese boxer na si Naoya Inoue kontra Stephen Fulton ng Amerika para sa WBC at WBO Super Bantamweight Title sa May 7, 2023 sa Yokohama Arena.

Nakapasok sa nasabing laban si Inoue matapos talunin si Paul Butler ng England noong December 2022.

Sakaling masungkit ng boksingero ang kampeon, siya ay kikilalanin bilang second Japanese man na nanalo ng World Championships sa apat na iba’t ibang titulo kabilang ang WBA at IBF Bantamweight Championships.

Samantala, si Inoue ay may record na 24 wins, 0 lose, at 21 knockouts habang si Fulton ay may 21 wins, 0 lose, at 8 knockouts.

About The Author