dzme1530.ph

MAHIGIT 7K NA PROYEKTO NG DPWH SA ILALIM NG 2027 BUDGET, PINUNA

Loading

Pinuna ni Senate President Sherwin Gatchalian ang may 7,107 projects ng Department of Public Works and Highways na kasama sa 2027 national budget na may red flags.
 
Sa budget deliberation sa Senado, sinabi ni Gatchalian na natukoy nila ang walong uri ng red flag sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program.
 
Kabilang aniya rito ang kawalan ng station limit o bridge ID, dobleng mga proyekto na kapwa nasa 2026 at 2027 NEP, walang coordinates, lumpsum projects, overlapping projects, unspecified work scope at conflicting type of work.
 
Nangako naman si DPWH Secretary Vince Dizon na sisilipin nila ang mga proyekto at kapag napatunayan ang mga red flag ay mananagot ang mga district engineers.
 
Samantala, sa pagtatanong ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, sinabi ni Dizon na kabuuang 10 proyekto na ang conclusive na para sa kanila na ituring bilang ghost projects.
 
Idinagdag ni Dizon na nagpapatuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon sa iba pang mga proyekto kasabay ng pagdiriin na wala silang nakitang ghost projects sa Taguig City.
 
Kinuwestyon naman ni Senador Imee Marcos ang holdover capacity ni Dizon bilang acting secretary na dapat ay isang taon lamang kaya maituturing na itong expired.
 
Tinawag pa ni Marcos na overacting na ang pagkakatalaga kay Dizon dahil naglapse na ang kanyang reappointment noong September 1, 2026.
 
Sinabi naman ni Dizon na kokonsultahin niya ang Office of the President subalit iginiit na musika para sa kanya ang mga pahayag ng senadora dahil ayaw na rin naman niya sa DPWH at masaya niyang tatanggapin kung maalis siya sa pwesto.

About The Author