![]()
Nakalabas na mula sa kulungan sa Quezon City ang kapatid ng actress-host na si Kim Chiu, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Kinumpirma ni BJMP Spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera na ni-release ang nakatatandang kapatid ni Kim na si Lakambini mula sa Quezon City Jail Female Dormitory, 5:32 p.m. kahapon.
Inaresto si Lakam noong Linggo sa Mandaluyong City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu laban sa kanya para sa 124 counts ng qualified theft.
December 2025 nang isinampa ni Kim ang kaso laban sa kanyang ate matapos madiskubre ang “serious financial discrepancies” sa kanyang negosyo.
Nagpasok ng not guilty plea si Lakam sa qualified theft case nang basahan ito ng sakdal kahapon.
