dzme1530.ph

Isinagawang initiation rites sa AdU student na namatay umano dahil sa hazing, isiniwalat

Isinalaysay ng isa sa mga testigo sa hazing na si Roi dela Cruz ang mga kaganapan sa initiation rites kay John Matthew Salilig.

Si dela Cruz na neophyte din ay kasabay ni Salilig na isinalang sa initiation rites.

Sinabi ni dela Cruz na noong araw ng initiation rites ay hindi na maganda ang kondisyon ni Salilig dahil mayroon itong LBM. Natapos pa ani nito ang initiation rites at kasama pang ibiniyahe sa bahay ng isa pang frat member na si alyas ”Scottie” sa Paranaque City para makapagpahinga.

Gayunman, pagdating anya nila sa Paranaque ay nagpaiwan sa sasakyan si Salilig dahil nais munang magpahinga hanggang nakita niya itong nagseizure at nawalan ng malay saka dinala sa kwarto ng bahay.

Nang irekomenda anya niyang dalhin sa pagamutan si Salilig ay nagalit pa ang iba pang miyembro.

Sa kwento naman ng Master initiator na si Daniel Perry napagkasunduan nilang ilibing na lamang si Salilig.

Sinabi Perry na nagsilbi lamang siyang acting master initiator nang araw na yun at naglalie-low na siya sa fraternity dahil ito’y graduating student na.

About The Author