![]()
Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maging ganap na batas ang panukalang nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Pangulong Marcos na ang paglagda niya sa Republic Act No. 12326, na nagtatakda ng limang taong termino para sa barangay at SK officials, malinaw ang inaasahan sa mga kasalukuyang opisyal.
Gamitin aniya ang panahon na ito upang pagbutihin pa ang serbisyo, tapusin ang mga nasimulang programa at mas tutukan ang pangangailangan ng bawat komunidad, pamilya, at kabataan.
Inihayag ng Pangulo na hindi ito dagdag na panahon sa puwesto, kundi dagdag itong panahon ng pananagutan sa taumbayan.
