dzme1530.ph

Janina San Miguel, umatras sa Mrs. Face of Tourism Philippines 2023

Kinumpirma ni Janina San Miguel-Sahota na nag-backout siya sa Mrs. Face of Tourism Philippines 2023.

Gayunman, tumanggi muna si Janina na isiwalat ang dahilan ng kanyang pag-atras at sinabing magsasalita siya sa tamang panahon.

2008 nang koronahan si Janina bilang Bb. Pilipinas World at naging kontrobersyal dahil sa kanyang sagot sa question and answer portion ng pageant, tungkol sa role ng kanyang pamilya sa pagsali niya sa Bb. Pilipinas.

Ang mga 90s sexy stars na sina Sabrina M. at Alma Soriano ang dalawa sa mga opisyal na kandidata na makakalaban sana ni Janina sa Mrs. Face of Tourism 2023.

Ang coronation night ng naturang beauty pageant ay itinakda sa May 30.

About The Author