dzme1530.ph

Iza Calzado, balik social media na matapos manganak

Ibinahagi na ni Iza Calzado ang unang larawan ng kanyang anak na si Deia Amihan.

Sa Instagram post kahapon, ipinakita ng aktres ang picture ng kamay ng kanyang anak na nakahawak sa kanyang daliri kasabay ng pagpapahayag ng pakiramdam na maipakilala sa publiko ang kanyang “little bundle of joy.”

Si Deia Amihan ay isinilang noong January 26, subalit kahapon lang ang unang social media post ni Iza mula nang mag-hiatus upang paghandaan ang kanyang panganganak.

Ikinasal si Iza kay Ben Wintle noong December 2018.

About The Author