dzme1530.ph

Isyung nanganganib na sa pwesto si SP Zubiri, isa raw ‘fake news’

Dinipensahan ng ilang senador si Senate President Juan Miguel Migz Zubiri kaugnay sa sinasabing nanganganib na ito sa pwesto bilang lider ng Senado.

Sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na walang katotohanan ang impormasyon dahil buo pa rin ang tiwala at suporta ng mayorya ng mga senador kay Zubiri.

Binigyang-din ni Gatchalian na matagumpay na naisulong ng liderato ni Zubiri ang mabilis na pagkakapasa ng 2023 budget.

Matagumpay din anyang nadipensahan ng pamumuno ni Zubiri ang Regional Comprehensive Economic Partnership kahit may mga miyembro na tutol dito.

Naisulong din anya sa ilalim ng liderato ni Zubiri ang  unang learning recovery program ng bansa sa gitna ng pandemya.

Isandaang porsyento si Gatchalian na fake news ang impormasyon ng posibleng pagtanggal kay Zubiri na konektado sa constitutional amendments.

Iginiit naman ni Sen. Grace Poe na isa si Zubiri most progressive, hardworking and unifying Senate President kaya’t naiapsa nila ang dalawang priority bills ngayong linggong ito.

Tinawag naman ni Sen Nancy Binay na super not true ang impormasyon.

About The Author