![]()
Hinikayat ni Filipina tennis ace Alex Eala ang mga kabataang Pilipino na pumasok sa sports.
Sa kanyang homecoming sa Pasig Elementary School, sinabi ni Eala na ang pangarap niya para sa mga kabataan ay mag-take ng sports dahil marami silang matututunan dito.
Inihayag din ng Filipina tennis sensation na ang mga kabataang Pilipino ang inspirasyon at motibasyon niya at iba pang national athletes, lalo na kapag sumasabak sila sa international tournaments.
Sa kanyang homecoming, ipinagkaloob ng Department of Education (DepEd) at Milo Philippines kay Eala ang Gawad Sulo ng Simula at Tagumpay bilang pagkilala sa kanyang outstanding achievements.
