dzme1530.ph

9 na pulis, patay sa suicide bombing sa Pakistan

Patay ang siyam na pulis habang 16 ang sugatan matapos ang suicide bombing na naganap sa Pakistan.

Ayon kay Senior Police Official Abdul Hai Aamir, lulan ng motorsiklo ang suicide bomber ng banggain nito ang likod na bahagi ng truck sa Sibi, Balochistan.

Inako naman Islamic state ang responsibilidad sa naturang insidente.

Nabatid na matagal nang problema ng security forces ang pag-atake ng ISIS sa nasabing bansa.

About The Author