dzme1530.ph

Isa sa mga suspek sa Degamo slay, bahagi ng 2 bigong assassination attempts vs gobernador

Isa sa mga suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ay bahagi rin ng dalawang bigong tangkang pagpatay sa opisyal, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Sinabi ng kalihim na ang naturang suspek ay kabilang sa “major players” sa pagpaslang sa gobernador noong March 4.

Aniya, December 2022 pa lamang ay target nang patumbahin si Degamo subalit hindi ito naisakatuparan ng mga suspek dahil sa ilang pangyayari na hindi nila kontrolado.

Inihayag ni Remulla na ang unang assassination attempt ay gagamitan sana ang gobernador ng rifle grenade, habang ang pangalawa ay sa pamamagitan ng sniper.

Idinagdag ni Remulla na balak nilang kasuhan ang 11 suspects na nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Huwebes o Biyernes.

About The Author