dzme1530.ph

DOJ, naniniwalang criminal organization ang nasa likod ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo

Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na isang criminal organization ang nasa likod ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sinabi ni Remulla na posibleng mga matataas na tao sa criminal organization ang masterminds sa pagpaslang sa gobernador.

Aniya, ang naturang organisasyon ay sangkot sa mga pagpatay sa Negros Oriental nitong mga nakalipas na taon, pati na sa illegal gambling at iba pang mga iligal na aktibidad.

Idinagdag din ng kalihim na maraming factors na nagtuturo kay Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. para masangkot sa pagpatay kay Degamo.

Posibleng isama ng DOJ sa mga kakasuhan si Teves sa sandaling mapag-aralan ng prosecutors ang mga testimonya ng mga suspek sa pag-atake.

About The Author