dzme1530.ph

30% ng kabuuang active SIMs, nairehistro na sa NTC

Pumalo na sa halos 50.34-M sim cards ang nairehistro na sa National Telecommunications Commission (NTC).

Ayon kay NTC Director Engr. Imelda Walcien, ang bilang ng mga nairehistro ay katumbas ng 30% ng kabuuang active sims sa bansa.

Samantala, hinimok ni Walcien ang publiko na magpa rehistro na ng kanilang sim card bago ang April 26 deadline para hindi ito ma-deactivate.

Dagdag pa ng NTC director na pinag-aaralan pa ng komisyon kung palalawigin pa ang deadline ng registration.

About The Author