dzme1530.ph

Isa pang bangkay mula sa nasunog na ferry sa Basilan, narekober; death toll, umakyat na sa 32

Isa pang bangkay ang narekober ng Philippine Coast Guard mula sa nasunog na MV Lady Mary Joy 3 noong March 29, sa karagatang sakop ng Baluk-baluk Island sa Basilan.

Bunsod nito, umakyat na sa 32 ang bilang ng mga nasawi sa malagim na trahedya sa karagatan.

Ayon sa PCG, natagpuan ang katawan ni Alses Hassan, isa sa mga naunang napaulat na nawawalang pasahero, sa katubigan ng Langgas Island, sa Maluso, Basilan.

Nai-turnover na ng PCG ang labi sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa Maluso habang patuloy pa rin ang search and rescue operations para sa isang natitirang nawawalang pasahero.

About The Author