dzme1530.ph

INVESTMENT APPROVALS NG PEZA, BUMABA SA UNANG QUARTER NG 2026

Loading

Nabawasan ang investment commitments na inaprubahan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa unang quarter ng 2026.
 
Nangyari ito sa gitna ng matamlay na aktibidad sa pamumuhunan, dulot ng kawalang katiyakan bunsod ng krisis sa langis sa Middle East.
 
Ayon sa PEZA, umabot sa 45.525 billion pesos ang halaga ng investment pledges na kanilang pinayagan mula Enero hanggang Marso.
 
Mas mababa ito kumpara sa 58.947 billion pesos na inaprubahan sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
 
Sa kabila nito, ang approved investments sa unang quarter ng 2026 ay binubuo ng 78 new at expansion projects, na mas mataas ng 18.18% kumpara sa unang quarter ng 2025.

About The Author