dzme1530.ph

Impormasyon na papalitan si ES Bersamin, itinanggi ni Sec. Recto

Loading

Mananatili si Finance Secretary Ralph Recto sa kanyang posisyon.

Ito ayon sa Kalihim, sa panayam sa Senado kasunod ng impormasyon na sisibakin na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Executive Secretary Lucas Bersamin at papalitan ito ng Finance Secretary.

Aniya, walang inaalok sa kanya na bagong posisyon at sa media niya lamang ito narinig.

Idinagdag pa ni Recto na wala rin itong alam kung may balasahan sa gabinete ng Marcos administration.

Samantala, ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, mas nais niyang manatili si Recto sa DOF dahil naakma ang mga talento at kakayahan ng kalihim sa ahensya.

About The Author