dzme1530.ph

Ilang Pinoy seafarers na bihag ng Houthi rebels sa Yemen, nakitaan ng sintomas ng Malaria

Nakitaan ng sintomas ng Malaria ang ilang Filipino seafarers mula sa MV Galaxy Leader na binihag ng Houthi rebels sa Yemen.

Sa update ng Dep’t of Foreign Affairs kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabing humiling na ng tulong si Honorary Consul to Yemen Mohammad Saleh Al-Jamal sa Yemen authorities para sa pagpapalaya sa mga tripulanteng Pinoy, sa ngalan ng humanitarian reasons dahil sa hindi magandang lagay ng kanilang kalusugan.

Nangako naman ang Sanaa Gov’t na magpapadala sila ng specialized doctors sa MV Galaxy Leader.

Gayunman, ang pagpapalaya umano sa mga Pinoy ay nakasalalay pa rin sa mga diskusyon at negosasyon.

Mababatid na hiniling Houthi ang pagwawakas ng digmaan sa Gaza kapalit ng pagpapalaya sa mga Pinoy.

About The Author