dzme1530.ph

Ilang kalsada sa Metro Manila, pansamantalang isasara tuwing gabi

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pansamantalang pagsasara ng ilang mga kalsada tuwing gabi sa Metro Manila.

Simula alas-10 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga ay isasara sa trapiko ang ilang lansangan upang bigyang daan ang pag-aaspalto at paghuhukay para sa pipe laying.

Kabilang sa mga apektadong kalsada ang C-5 Ortigas Flyover Northbound/Southbound; C-5 Ortigas Flyover (Westbound); C-5 Ortigas interchange flyover hanggang Tiendesitas; Ortigas Avenue bago umakyat ng tulay (Eastbound); at C-5 road Northbound malapit sa Gap 1.

Apektado rin ang Manila East road (West bound) malapit sa Jollibee corner Amang; EDSA Ortigas interchange hanggang San Juan; at EDSA Shaw flyover (Westbound) malapit sa Approach A.

Isasara ang mga nabanggit na lansangan tuwing gabi hanggang sa makumpleto ang pagkukumpuni, kaya naman pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta.

About The Author