dzme1530.ph

PILIPINAS AT CANADA, LUMAGDA SA FEDERAL BILATERAL AGREEMENT ON LABOR AND MIGRATION

Loading

Nilagdaan ng Pilipinas at Canada ang Federal Bilateral Labor and Migration Agreement na naglalayong palakasin ang proteksyon para sa Overseas Filipino Workers (OFWs).
 
Sa pamamagitan ito ng fair recruitment practices at mas mahigpit na government cooperation.
 
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, ang kasunduan ay pinirmahan sa ilalim ng Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Citizenship and Immigration (CIC Canada).
 
Pinagtibay ng dalawang bansa ang kanilang commitment sa pagsusulong ng legal migration habang tinitiyak na ang recruitment at deployment ng Pinoy workers ay alinsunod sa mga batas at regulasyon ng Pilipinas at Canada.
 
Sinabi ni Cacdac na ito ang kauna-unahang Federal Bilateral Agreement on Labor and Migration ng Pilipinas sa Canada.
 
Sinaksihan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Canadian Prime Minister Mark Carney ang signing ng naturang deklarasyon.
 
Si Pangulong Marcos ay nasa Canada para sa apat na araw na state visit.

About The Author