dzme1530.ph

SEN. RODANTE MARCOLETA, SINAMPAHAN NA NG KASONG PLUNDER SA SANDIGANBAYAN

Loading

Inihain na ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta.
 
May kaugnayan ito sa inamin ni Marcoleta na pagtanggap ng ₱75 milyong campaign donations bago ang 2025 senatorial elections, ngunit hindi umano niya idineklara ang mga ito sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) at Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
 
Bukod kay Marcoleta, nahaharap din sa kasong plunder, indirect bribery, at paglabag sa Presidential Decree na nagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan na tumanggap ng regalo ang mga campaign donors na sina dating Cong. Michael Defensor at mga negosyanteng sina Joseph Varias Espiritu at Aristotle Baluyut Viray.
 
Agad namang na-raffle ang kaso at napunta ito sa Third Division ng Sandiganbayan.
 
Una nang pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hiling ng Ombudsman na maglabas ng precautionary hold departure order laban sa apat habang isinasagawa ang imbestigasyon sa plunder complaint.
 
Ayon sa Ombudsman, ang pagtanggap ni Marcoleta ng ₱75 milyon mula sa mga pribadong indibidwal at ang hindi umano nito pagdedeklara ay nagpapakita ng kabiguang sumunod sa pamantayan ng pananagutan at integridad bilang isang opisyal ng pamahalaan.

About The Author