Nanindigan si Sen. Grace Poe na mahalaga ang Public-Private Partnership (PPP) para madevelop ang mga paliparan upang mas maraming turista ang mahikayat pumunta sa bansa.
Inilarawan ni Poe ang aviation sector na parang isang eroplanong hindi maka-take off dahil sa delays, cancellations, at kung ano-ano pang aberya.
Sinabi ni Poe na masusuportahan ng PPP ang upgrading ng mga proyekto sa mga paliparan.
Naniniwala si Poe na dahil sa regulatory and procedural delays ng mga ahensya ng gobyerno, nawawala ang oportunidad ng mga paliparan na maging world class standards sa kabila ng dami ng private groups na interesado sa rehabilitasyon ng mga paliparan.
Taon-taon na lamang aniyang bumubuo ng catch-up plans para sa operasyon at maintenance ng kasalukuyang airport.
Ngayong taon lamang naglaan ang gobyerno ng P7.5 billion para sa konstruksyon, upgrade, expansion o rehabilitation ng 22 airports sa buong bansa.
Bukod pa ito sa budgetary support ng government corporations sa ilalim ng aviation sector kabilang ang P1.03 billion sa Civil Aviation Authority of the Philippines at P121 million sa Davao International Airport Authority.
Dismayado ang senador na kahit mayroon nang pondo ay hindi matapos-tapos ang mga paliparan na ilang taon nang nakabinbin.