dzme1530.ph

OMBUDSMAN, BINIGYANG DIIN NA DAPAT MANAIG ANG BATAS SA PLUNDER CASE LABAN KAY SEN. RODANTE MARCOLETA

Loading

Nanawagan ang Office of the Ombudsman sa mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na hayaan ang due process na umusad matapos ang tatlong araw na rally bilang suporta kay Sen. Rodante Marcoleta.
 
Ginawa ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang panawagan kasunod ng pagsasampa ng 75-million peso plunder case at 3 counts of violation of the prohibition on public officials from receiving gifts laban kay Marcoleta at sa tatlong iba pa kaugnay ng undeclared campaign contributions.
 
Sinabi ng Ombudsman na batid nila na ang naturang kaso ay pumukaw ng matinding pampublikong debate, at nirerespeto nila ang karapatan ng bawat mamamayan na magkaroon ng opinyon, mag-rally, at humingi ng pananagutan, kabilang na sa kanilang opisina.
 
Gayunman, ang hinihiling nilang kapalit ay hayaan ang katotohanan at batas na magpasya, at hindi ang sentimyento o takot.

About The Author