![]()
“Regulate the Risk, Not the Progress!”
‘Yan ang mensahe ni Negros Occidental 3rd Dist. Rep. Javi Benitez sa mga senior business leaders, policy makers, at technology executives na dumalo sa 2nd MAP x KPMG Technology Summit sa Shangri-La The Fort.
Si Benitez ang head ng TWG para sa Artificial Intelligence Development and Regulation Act na binubuo sa Kamara.
Sa nasabing event na may temang “AI at Scale: Driving Value with Governance and Security,” nanindigan ito na hindi dapat ilimita ang pag-unlad gamit ang AI, subalit mahalaga ring i-regulate ang mga panganib na idudulot o magagawa nito.
Dalawampu’t anim (26) na mga panukalang batas ang kinonsolida ng House Committee on Information and Communications Technology na iniharap ni Benitez.
Hinamon nito ang lahat ng stakeholder na suriing mabuti ang nilalaman ng consolidated draft bill, magbigay ng inputs para makabuo ng best law na akma sa batas ng Pilipinas, kayang lampasan ang posibleng constitutional challenge, at kapantay ng international frameworks.
