![]()
PINAHAHARAP ng Senate Impeachment Court si Vice President Sara Duterte sa pagsisimula ng paglilitis laban sa kanya sa Lunes, July 6, alas-2:00 ng hapon.
Inilabas kahapon ang kautusang pirmado ni Senate President Sherwin Gatchalian, na nagsisilbing presiding officer ng impeachment court.
Nakasaad sa direktiba na, alinsunod sa Rule 7 ng Rules of Procedure on Impeachment Trials at sa writ of summons na inilabas noong May 9, 2026, inaatasan ang Bise Presidente na humarap sa Senado at tumugon sa mga kautusan ng korte kaugnay ng kanyang impeachment case.
Binigyan din ng kopya ng kautusan ang House prosecution panel, bilang pabatid na handa na ang Senado sa pagsisimula ng impeachment trial.
Samantala, nagsasagawa ng caucus ang mga senador bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa paglilitis.
Nauna nang tiniyak ni Gatchalian na handang-handa na ang Senado sa pagdaraos ng impeachment trial, kasabay ng pagtiyak sa seguridad sa paligid ng gusali ng Senado.
