dzme1530.ph

VP SARA, HINAMON NA HUMARAP SA IMPEACHMENT TRIAL AT HUWAG MAGTAGO SA TEKNIKALIDAD

Loading

“Kung wala kang kasalanan, wala kang ikakatakot. Harapin mo! Huwag ka magtago sa teknikalidad.”
Ito ang mensahe ni House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kay Vice President Sara Duterte, tatlong araw bago magsimula ang impeachment trial.
 
Hindi inaalis ng House prosecution panel ang posibilidad na igiit ng legal team ni VP Sara ang agarang pagpapa-dismiss ng kaso nang hindi na dumaraan sa paglilitis.
 
Pero para kay Adiong malinaw ang mensahe nito sa taumbayan na wala talaga silang maisasagot sa mga paratang kaya dinadaan nila sa teknikalidad.
 
Sa Lunes July 6, aarangkada na ang pagdinig ng Senate Impeachment Court, at inaanyayahan dumalo si VP Duterte bagaman at pwede rin siyang katawanin muna ng kanyang mga abogado.

About The Author