![]()
All systems go na ang House Committee on Justice sa pagdinig bukas sa impeachment case ni VP Sara Duterte.
Para kay Bicol Saro Rep. Terry Ridon, naka-line up na ang mga ipinatawag na testigo sa pangunguna ni PDL Ramil Madriaga.
Tinawag ni Ridon ang pagdinig bukas bilang “araw ng resibo, araw ng ebidensya, at araw ng katotohanan.”
Maging si retired Supreme Court Associate Justice Adolf Azcuna ay nagsabi na walang dahilan para hindi matuloy ang pagdinig bukas.
Dahil sa walang inilabas na TRO ang Supreme Court, ang mensahe umano nito ay sa ganitong stage, ayaw nitong pakialaman ang trabaho ng Kamara de Representantes sa committee level.
Binigyang-diin ni Azcuna na umaakto ang House of Representatives sa kanilang constitutional mandate na determinahin kung nag-e-exist ang probable cause para i-impeach si Vice President Sara Duterte.
