![]()
Kung ang pagbabasehan ay dami ng co-author, ang House Bill No. 6771 na inakda ni House Speaker Faustino Bojie Dy III at Majority Floor Leader Sandro Marcos ang papasang bersyon ng Anti-Political Dynasty.
Ito ang nakikita ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, Chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral reforms.
Sa isang media briefing sinabi ni Adiong na mahigit isang daan na ang co-author ng HB 6771, na nagtutulak sa second degree of affinity and consanguinity.
Sa 24 na panukalang batas na pawang anti-dynasty, labing anim ang pumapabor sa second degree, habang ang iba ay hanggang 4th degree of affinity and consanguinity.
Aminado naman ni Cagayan de Oro 1st Dist. Rep. Lordan Suan, isa sa nagsulong ng anti-dynasty measure na pabor siya sa 4th degree at isa lamang sa buong Pilipinas.
Subalit kailangan din umanong timbangin ang stand ng iba pang mambabatas, dahil kung magmamatigas siya ay walang batas silang mabubuo.
