Inaprubahan ng mababang kapulungan sa botong 276 pabor sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 6772 na magbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo ng Pilipinas na suspendihin ang nakatakdang pagtaas sa premium contribution ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH)
Aamyendahan ng panukala ang Universal Health Care Act para mapahintulutan ang Pangulo na iutos na huwag ipatupad ang scheduled increase ng premium rates sa panahon ng national emergency, kalamidad o para sa interes ng publiko.
Ang nakatakdang pagtataas ay itutuloy kapag naalis na ang alinman sa nabanggit na deklarasyon.
Matatandaang, base sa Universal Health Care Act, ang premium rate ng PHILHEALTH ay itataas sa 5% pagsapit ng 2024.