dzme1530.ph

4 na suspects sa Degamo Slay, itu-turnover sa DOJ ngayong araw

Apat pang suspects na inilarawan ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla bilang “major players” sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ang sumuko sa Philippine Army.

Sinabi ni Remulla na bagaman tatlo pang suspects ang pinaghahanap, halos lahat ng nasa “Attack Team” ang nasa kustodiya na ng mga otoridad.

Inihayag ng Kalihim na ang apat na suspects na mga dating sundalo ay itu-turnover sa Department of Justice ngayong umaga.

Idinagdag ni Remulla na wala pang ibinibigay na initial statements ang apat.

About The Author