dzme1530.ph

RJ NIETO, ALYAS THINKING PINOY, BINIGYAN NG POSISYON SA ADMINISTRASYON

Loading

Itinalaga bilang Assistant Secretary sa Office of the Cabinet Secretary si RJ Nieto na nakilala rin sa kanyang social media page na Thinking Pinoy.

Sa kanyang Facebook page, nagpasalamat si Nieto sa bagong appointment kasabay ng pag-amin na nakakaramdam din siya ng takot.

Kinumpirma rin ni Nieto na manunumpa pa lamang siya para makapagsimula na ng kanyang tungkulin.

Kabilang aniya sa kanyang responsibilidad ang monitoring sa mga programa na ipinatutupad ng gobyerno at tiyaking natatanggap ng publiko ang kaukulang serbisyo para sa kanila.

About The Author