dzme1530.ph

PAMILYANG BIKTIMA NG CYBERCRIME, TUMAAS

Loading

Tumaas ang bilang ng mga pamilyang nakaranas ng cybercrime sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga biktima ng common crimes.

Ito ang lumabas sa survey ng Social Weather Stations o SWS na isinagawa mula July 20 hanggang 29.

Sa survey, umabot sa record-high na 8 percent ang mga pamilyang nagsasabing naging biktima ng cybercrime na mas mataas sa 5.8 percent noong Marso.

Pinakamalaki ang naitala sa Visayas na umabot sa 10.4 percent mula sa 4.1 percent.

Tumaas din ang mga biktima ng cybercrime sa Metro Manila na umabot sa 13.4 percent mula sa 10.1 percent.

Samantala, bumaba ang bilang ng mga pamilyang naging biktima ng karaniwang krimen sa 10 percent mula sa 12.3 percent noong Marso.

Kabilang dito ang pickpocket o robbery of personal property, break-ins, car theft at physical violence.

About The Author