DZME1530

Halos 30 katao, ipinatumba ng kampo ni Cong. Teves —Pamplona Mayor Degamo

Ibinunyag ni Pamplona Mayor Janice Degamo, asawa ng pinaslang na si Negros Oriental Governor Roel Degamo, na halos 30 katao ang pinatay ng kampo ni suspended Cong. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Ayon sa alkalde, ginagawan ng masama ng kampo ng kongresista ang mga taong tumatangging ipagpalit ang kanilang political loyalty.

Naniniwala rin ang biyudang Degamo na malakas ang kanilang kaso laban sa suspendidong kongresista na itinuturong utak ng pamamaslang sa gobernador.

Si Governor Degamo at walong iba pa ay nasawi nang salakayin ng armadong kalalakihan ang bahay ng opisyal noong March 4.

About The Author