dzme1530.ph

Dating Pang. Duterte, naniniwalang si Cong. Teves ang utak sa pagpaslang kay Gov. Degamo

Naniniwala si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga alegasyong si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. ang mastermind sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo.

Sinabi ng dating pangulo na may kinalaman sa iligal na droga ang pagpatay sa gobernador.

Inihayag ni Duterte na sa sandaling maisampa ng pulisya ang kaso laban kay Teves ay dapat din maghain ang Department of Justice ng kaso para sa kanselasyon ng passport nito.

Ito aniya ay upang maging subject ang kongresista kapag inaresto ng international police o interpol.

Pabiro pang sinabi ni Duterte na pasalamat si Teves na hindi na siya ang pangulo dahil panibagong extra judicial killing ang magiging isyu.

About The Author