dzme1530.ph

Grupo ng mga guro, dismayado sa umano’y paratang sa kanila ni VP Sara

Ikinalungkot ng isang party-list ang mga naririnig nila kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte kaugnay sa pagiging “Makakaliwa.”

Ito ang naging reaksyon ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party-List Representative France Castro sa sinasabi ng pangalawang pangulo sa kabila ng pagsisikap at tiyaga ng mga guro sa kanilang mga gampanin.

Sa panayam ng DZME1530, binigyang-diin ni Castro na may patakaran ang mga lokal na pamahalaan maging ang DepEd regional at division office sa pagsususpinde ng klase sakaling magkaroon ng sakuna.

Aniya, umugong ang mga bansag na galawang “Komunista” ang act party-list nang suportahan nila ang isang linggong tigil-pasada na ikinasa ng ilang transport group at himukin ang deped na kanselahin ang mga klase sa paaralan.

Samantala, nilinaw ni Castro na tuloy pa rin ang pasok ng mga guro sa gitna ng transport strike.

About The Author