![]()
AABOT sa P429 billion ang kakailanganin ng gobyerno para sa pagpapatupad ng mga hakbangin sakaling umabot ng hanggang December 2026 ang tensyon sa Middle East.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Protect, sinabi ni Department of Economy, Planning and Development o DepDev Secretary Arsenio Balisacan na kailangan pang matukoy kung saan kukunin ang pondo.
Ang naturang pagtaya ay halos doble anya ng P238 billion na pondo na natukoy ng Department of Budget and Management na kailangan para sa mga programang tugtugon sa pangangailangan ng pamilyang Pilipino.
Kabilang sa kailangang pondoo ang fuel subsidy, financial assistance at logistics support.
Gagamitin din ang emergency fund sa pagtiyak ng sapat na suplay ng langis gayundin ang electricity supply bukod pa sa repatriation at reintegration efforts para sa mga Overseas Filipino Workers.
