dzme1530.ph

Full implementation ng Exclusive Motorcycle Lane sa QC, pansamantalang sinuspindi

Ipinagpaliban ng MMDA ang full implementation ng Exclusive Motorcycle Lane sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Bilang pagbibigay-daan sa isasagawang patching works ng department of public works and Highways (DPWH) sa nasabing kalsada.

Ito’y makaraang makatanggap ang ahensiya ng reklamo mula sa ilang motorista dahil sa hindi pantay, lubak-lubak at biyak na linya na nakalaan sa kanila.

Ayon kay MMDA acting Chairman Atty. Romando Artes, isang linggong pinalawig ang dry run sa Exclusive Motorcycle Lane o hanggang Marso a-26.

Umaasa naman si Artes na ang extended dry run ay makapagbibigay ng sapat na panahon sa mga motorista na maging pamilyar sa polisiya.

Kung hindi sinuspindi, ngayong araw sana ang full implementation ng Exclusive Motorcycle Lane sa killer highway o Commonwealth Avenue.

About The Author