dzme1530.ph

Babaeng pulis, planong gawing desk officers ng PNP

Mga babaeng pulis, nais ilagay bilang desk officers sa Metro Manila, ayon sa Philippine National Police.

Plano ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na mga kababaihan ang mga desk officers sa mga pangunahing presinto sa National Capital Region  (NCR).

Ayon sa NCRPO Chief Edgar Allan Okubo, base sa kanyang pag-aral at nakalap na video footage mula sa mga body camera ng NCRPO police officers, kumpara sa mga lalaki ay mas malawak ang presensiya ng mga kababaihan pagdating sa pakikipag-usap sa mga complainant.

Layon din ng hakbang na mas maunawan ang mga complainant na dumudulog sa mga presinto para agad na maaksyunan ang mga reklamong dinudulog dito.

About The Author