![]()
Inanunsyo ng Malacañang na simula sa Aug. 15, araw ng Sabado, itataas sa 12 pesos per liter ang fuel discount para sa jeepney at UV Express drivers mula sa kasalukuyang sampung piso kada litro.
Sa press conference, sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itaas ang discounts sa petroleum products upang mapagaan ang epekto ng kaguluhan sa Middle East sa transportation sector.
Aniya, kapag naipatupad ito, aabot sa 1,800 pesos kada linggo ang magiging pakinabang ng mga driver.
Ang desisyon ay kasunod ng pulong ng Cabinet secretaries sa Malacañang kahapon, kung saan tinalakay ang iba pang mga hakbang upang palakasin ang pagtugon ng pamahalaan sa epekto ng krisis.
Inatasan ni Recto ang Department of Social Welfare and Development na tiyaking makakarating sa intended beneficiaries ang uplift assistance, kabilang ang mga magsasaka, mangingisda, manggagawa sa transportation at construction sectors, at low-income earners.
