dzme1530.ph

BAGYONG MAYMAY, INAASAHANG MAGLA-LANDFALL SA ILOCOS SUR O LA UNION MAMAYANG GABI O BUKAS NG MADALING ARAW

Loading

Posibleng mag-landfall ang Tropical Storm Maymay sa Ilocos Sur o La Union mamayang gabi o bukas ng madaling araw.
 
Sa 2 p.m. bulletin ng PAGASA, kumikilos “erratically” o walang katiyakan ang Bagyong Maymay sa ibabaw ng karagatan ng Ilocos Sur.
 
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 km/h at pagbugso na hanggang 90 km/h.
 
Huling namataan ang sentro nito 160 km west southwest ng Sinait, Ilocos Sur, habang mabagal na kumikilos pakanluran.
 
Sinabi ng PAGASA na pagkatapos mag-landfall ay tatahakin ni Maymay ang landmass ng Northern at Central Luzon hanggang bukas.
 
Nakataas pa rin ang Signal No. 2 sa Ilocos Sur; northern at central portions ng La Union; northwestern portion ng Pangasinan; southwestern portion ng Abra; western portion ng Mountain Province; at northwestern portion ng Benguet.

About The Author