dzme1530.ph

ILAN PANG KAHINA-HINALANG TRANKASKYON SA PAGGAMIT NG CONFIDENTIAL FUNDS NG OVP AT DEPED, NALANTAD SA IMPEACHMENT COURT

Loading

Ilan pang kahina-hinalang transaksyon sa paggamit ng confidential funds ng OVP at DepEd ang nalantad sa impeachment court.
 
Sa huling araw ng pagtestigo ni Roderick Wamil, dating COA-ICFAO state auditor, inungkat ni Senator-Judge Francis “Kiko” Pangilinan ang P17-M confidential fund na ginastos sa loob lamang ng isang araw noong Dec. 23, 2022, na kinapalooban ng 111 transactions.
 
Hindi naman masabi ni Wamil kung may limitasyon sa ilalim ng Joint Circular 2015-01 ang paggastos ng confidential fund sa loob ng isang araw, subalit isa umano ang klaro: “unusual” ito.
 
Pinagtuunan din ng pansin ni Pangilinan ang pagbisita nina Atty. Zuleika Lopez, OVP chief of staff, at Atty. Michael Poa, chief of staff naman sa DepEd, kay Wamil at ang request kung puwedeng “audit query” na lamang ang ilabas sa halip na Audit Observation Memorandum (AOM).
 
Tinanggihan naman ito ni Wamil sa katwirang ang hinihinging “audit query” ay hindi kabilang sa audit actions na pinapayagan ng circular.

About The Author