![]()
Inaasahan ang pagsasampa ng federal prosecutors ng additional charges laban kay former Venezuelan President Nicolas Maduro at sa misis nitong si Cilia Flores, ngayong linggo.
Ayon sa report, sa bagong charges, inakusahan ang mag-asawa na may kinalaman sa pag-torture ng Americans na ikinulong sa Venezuelan prisons.
Noong Enero ay dinakip ng US forces sina Maduro at Flores mula sa kanilang compound sa Venezuelan capital na Caracas.
Dinala ang mag-asawa sa New York para harapin ang mga kaso na may kinalaman sa weapon at drug offenses, na kapwa nila itinanggi.
