![]()
Bukas ang Energy Regulatory Commission na palawigin ang ‘no disconnection policy’ na nakatakdang magtapos sa July 31.
Ayon kay ERC Chairman Nino Juan, tatalakayin nila ang posibleng pagpapalawig ng suspensyon ng disconnection bilang tugon sa mga reklamo laban sa mataas na electricity bills sa mga nakalipas na buwan.
Inaprubahan din ng komisyon ang ilang hiling mula sa electric cooperatives at private utilities sa bansa na gawing paunti-unti ang rate hikes mula June hanggang July billing period.
Sinabi rin ni Juan na bagama’t hindi humiling ang Meralco na gawing staggered ang kanilang rate hike, ipinagpaliban naman nila ang ilan pang components ng generation charge na umaabot sa halagang isang bilyong piso.
