![]()
Ikinasal na ang aktres na si Bea Alonzo at negosyanteng si Vincent Co.
Ibinahagi ni Mayor Nancy Binay ang litrato kasama si Bea sa kanyang opisina sa Makati City Hall na nilagyan ng caption na “Coffee w/ Coffeemate” saka nilagyan ng hashtag na #OneMoreChance.
Sa isang Facebook Reel mula naman kay Ogie Diaz, ikinasal sina Bea at Vincent sa Makati City Hall noong Lunes, July 13, 7 p.m.
Ayon sa showbiz vlogger at talent manager, walang kasamang family members ang dalawa at tanging mga may-ari lamang ng isang brand ng bag ang dumalo sa super intimate na event.
Idinagdag ni Ogie na nakita niya ang litrato ng couple sa kanilang kasal, maging ang kanilang marriage certificate.
