![]()
May bagong tungkulin si Department of Health (DOH) Acting Spokesperson Dr. Albert Domingo matapos italagang concurrent executive director ng National Nutrition Council (NNC).
Sa kanyang statement sa media, sinabi ni Domingo na epektibo noong Hulyo 14, hindi na niya hahawakan ang communications at spokesperson duties ng DOH. Sa halip, tututukan na niya ang kanyang bagong tungkulin sa National Nutrition Council.
Kasabay nito, inihayag din na si Arlene Arbas na ang magiging contact person ng media para sa lahat ng media requests ng DOH.
Ang pagbabago ay kasunod ng pagtatalaga kay Dr. Jose “Brix” Pujalte Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Health, habang inaasahan pa ang mga susunod na direktiba at bagong media assignments sa ilalim ng bagong liderato ng kagawaran.
