dzme1530.ph

DILG, pinasususpinde si Bamban City Mayor Alice Guo

Pinasususpinde ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil sa umano’y kaugnayan nito sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa pinamumunuan nitong bayan.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, nakapagsumite na sila ng report sa Ombudsman kung saan nito inirekomenda ang preventive suspension laban kay Guo.

Paliwanag ng DILG Chief, kinakailangang isuspinde si Guo mula sa pwesto para maiwasang maimpluwensiyahan ng kaniyang tanggapan ang nagpapatuloy na imbestigasyon ng iba’t-ibang ahensiya.

Nagsimulang imbestigahan si Guo makaraang madiskubre na naka-rehistro sa kaniyang pangalan ang metro ng kuryente ng POGO hub ng Yuan Technology.

About The Author