dzme1530.ph

DILG CHIEF, NAG-SORRY SA PAGHULI SA CONSTRUCTION WORKER NA WALANG DAMIT PANG-ITAAS SA MANDALUYONG

Loading

Humingi ng paumanhin si Interior Secretary Jonvic Remulla matapos arestuhin ang isang construction worker na walang damit pang-itaas sa isang Safer Cities initiative operation sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City.
 
Sa press briefing, sinabi ni Remulla na may nakita siyang feedback sa social media na umangal sa pag-aresto sa lalaking naghahalo ng semento sa nasabing barangay.
 
Aniya, pupuntahan niya ang construction worker sa mga susunod na araw para personal na humingi ng paumanhin.
 
Inako ni Remulla ang pagkakamali, at sinabing hindi siya nakapagbigay ng mas malinaw na instructions sa mga pulis sa pagpapatupad ng Safer Cities initiative.
 
Idinahilan ng DILG chief na ang tanging hangarin niya ay patahimikin ang mga kalye.
 
Idinagdag ni Remulla na sasailalim sa review ang polisiya, subalit dapat aniyang magpatuloy pa rin ang operasyon para sa mas ligtas na mga lansangan.

About The Author