![]()
Isang oil tanker na may kargang 7,000 tonnes ng diesel ang lumubog sa Ibiza, na nagresulta sa pagkasawi ng isang crew member.
Lulan ng Med Emre, isang Malta-flagged vessel, ang 17 crew members na pawang na-rescue lahat.
Gayunman, kinumpirma ng Balearic Islands Emergency Services na pito ang dinala sa ospital at isa ang binawian ng buhay kalaunan.
Batay sa ulat ng Spanish media, nilalapatan ng lunas ang anim na crew na nagtamo ng minor injuries, gaya ng hypothermia.
Hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng paglubog ng diesel tanker.
