![]()
Muling pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang suporta sa AFP, kasabay ng pagkilala sa kahalagahan ng pagtugon sa kanilang mga pangangailangan at pagsubok.
Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang annual traditional dinner para sa AFP Council of Sergeants Major sa Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City.
Nakiisa ang pangulo sa mga sundalo sa tradisyunal na boodle fight.
Binigyang-pugay din ng commander-in-chief ang mga sakripisyo at katapangan ng mga sundalo sa pagtatanggol sa bansa at pagprotekta sa mga komunidad.
